
Ako at ang aking mga ka eskwela ay naglinis ng mga baranggay. Upang maiwasan narin ang dengue sa mga lugar na madudumi. Ang paglilinis na iyon ay para makatulog kami sa environment upang hindi masira narin ang nature. Kailangan naten ingatan ang mundong ating kinatatayuan upang ito ay hindi masira. Kapag nawala ang nature dito sa mundo ay hindi ba’t mawawala na ren tayo. Kasi sa kanila rin naman nanggagaling ang ating mga kinakain kaya dapat itong alagaan. Hindi dapat ito sayangin sapagkat kung nasira na ito ay hindi mo na ito maibabalik pa. May kasabihan nga ang matatanda na sa huli ang pagsisisi. Panatilihin nating malinis ang ating lugar sapagkat tayo rin naman ang mapipinsala kung hindi natin ito aalagaan. Itapon ang ating basura sa tamang basurahan. Wag itapon sa ilog at patangayin para lamang hindi masabing makalat ang inyong bahay.








