
Ako ay isang palakaibigan na tao at nakakapagpatawa ng tao. Ako ay komedyante dahil ayoko ng may nalulungkot akong nakikita. At may trivia ako sainyo alam nyo bang kung palagi kayong nakangiti ay lalong tatagal ang inyong buhay. Ako ay maraming kaibigan na mabubuti. Sila ay nakilala ko sa eskwelahan na aking pinapasukan ko sa kasalukuyan. Simula ng pumasok ako sa Unida Nehemiah Christian Academy ay mas dumami pa ang aking naging kaibigan. Ang aking mga kaibigan na si Aaron, Jerby, Michael, Raynhard, Isra, Mayin, Padme, Harbe, Fhred at iba pa. Madalas kaming mag gala at mag videoke sapagkat dito kami nawiwili at nag kakatuwaan. Ang mga kaibigan ko ay masaya kasama. Sila rin ang natulong pag hindi ko alam ang lesson namin sa paaralan.