Second Blog “My Hobbies”

Simula palamang ng ako ay bata ay nakakahiligan ko na talagang mag laro ng larong pinoy sapagkat ito ay masaya. At ang aming laro ay tumabang preso, bamsak, at kung ano ano pa. Kaya madalas akong napapagalitan ng aking ina ay dahil sa nakakalimutan ko nang kumain at pag alis ko ng bahay ay dapit hapin na ako makakauwi. Hindi alam ng aking ina na kumakain ako sa aking lola dahil ito sy aming kapit bahay. Hindi ko maiwasang mag laro sa pagkat ang aking mga pinsan ay kasing edad ko lamang. At napaka bibo ko noong bata ako ay mahilig ako sumayaw at ang aking idolo sa pagsayaw ay si Micheal Jackson  sino ba namang di mabibilib sakanya sa lambot ng kanyang katawan at sa galing sa pagkanta. Habang ako ay patanda na ng patanda ay nagiging mahiyain na ako at nahihilig na din ako sa mga online games dahil ito ay nakakawiling gawin. At dahil narin sa impluwensya ng aking mga pinsan. Dito na narin natutuon ang aking mga pera kaya ako ay napapagalitan ng aking magulang. Sa dahilang bawasan ang aking baon sa eskwelahan. At nang mag grade 9 ako ay naisipan kong ikain na lamang ang aking pera kaya ang aking pag cocomputer ay natigil at paminsan minsan na lamang pampalipas ng oras. Mahilig ako mag puyat pero tulog mantika naman ako pag pagod na pagod aakalain mo na lamang na ako’y bangkay sa kadahilanan na ako ay ubod ng tagal matulog at dahil dito ay di na ako nakakain ng umagahan at tanghalin ang aking aabutan na lamang ay meryenda o hapunan.

Leave a comment