Eight Blog “Field Trip”

Noong January 23, 2020 naganap ang aming field trip. Iyon ang unang field trip ko bilang Senior High School. Ako ay masaya noong araw na iyon dahil iyon ay bagong experience bilang estudyante. Ako ay maagang gumising dahil maaga ang call time na sinabi ng aking adviser. Matapos kong mag ayos o maghanda ng mga dadalhin ako ay agad na umalis. Nang makarating ako sa eskwelahan na pinag – aaralan ako ay nakipagkwentuhan muna sa mga kaklase ko habang naghihintay sa iba ko pang kaklase. Nang makarating na ang lahat ng kasama sa field trip kami ay agad na sumakay sa bus at umalis. Habang kami ay nasa biyahe kaming magkakaklase ay inaaliw ng aming tour guide na si kuya Jose. Si kuya jose ay nagbibigay ng impormasyon sa bawat lugar na aming nadadaanan at napupuntahan. Ang aming unang pinuntahan ay ang Intramuros sa San Juan, Maynila. Kami ay patuloy na kinuwentuhan ni kuya Jose tungkol sa history na nangyari sa Intramuros. Nang matapos ang aming paglilibot sa Intramuros kami ay bumalik na sa bus. Ang sunod naming pinuntahan ay ang Greenbelt Repertory of Philippines kung saan kami au nanood ng “The quest of Adarna”. Ang aming napanood ay maganda dahio isa ito sa sikat na kwento na itunuturo ng mga guro sa subject o asignatura na Filipino. Nang matapos ang aming panonood kami ay bumalik na sa bus na aming sinasakyan. Ang aming sunod na pinuntahan ay ang GMA studios. Kami ay ipinasiyal ng isa sa tour guide ng GMA. Ang tour guide ay nagkwento ng history tungkol sa pasilidad ng GMA. Kami ay inilibot ng tour guide ng GMA sa mga studio na mayroon sila. Matapos kaming ilibot kami ay pinahintulutan rin na manood ng shooting ng bago nilang serye o palabas sa telebisyon at iyon ay ang “Center Stage”. Nang matapos ang aming panonood ng shooting kami ay bumalik na sa bus upang umuwi. Habang kami ay nasa biyahe pauwi kami ng aking mga kaklase ay natulog muna. Nang makabalik na kami sa eskwelahan ako ay umuwi na upang magpahinga. Ayan ang aking naging karanasan sa aking Field Trip S.Y. 2019-2020.

Leave a comment