Seventh Blog “Speech Choir”

Ilang buwan kaming hindi nakapag practice dahil sa madaming ginagawa at event. At tutok na tutok kami sa pag aaral ng mga panahong iyon dahil nga 2nd sem na panibagong mga subjects. At nang palapit na ang speech choir ay tatlong araw lamang kaming nag practice kaya yung iba saamin ay napaos dahil narin siguro sa kakulangan ng oras. At tuwing practice ay pursigido ang bawat isa na makuha namin ang kampyonato upang mapasaya namin ang aming guro. Nagtutulungan kami sa pag gawa ng props sa aming speech choir. Pag katapos mag gawa ay kalas kalas na kasi ubod ng dumi ng aming kwarto at ang malilinis ay ang officer namen sa school upang di kami mapagalitan ng aming adviser. Hanggang sa dumating na ang araw ng  speech choir ang aming props ay pang dyaryo lamang ang mga iba naman ay nagpatahi pa at pinag kagastusan. Pero sa dala ng aming pag kakaisa ay naging champion ulet kami. At nakakatuwa dahil ang aming guro ay aming napapangiti.