
Hi ple halina’t pag usapan natin ang aking buhay. Ako si Mhel Justine J. Moneda labing anim na taong gulang at nag- aaral sa Unida Nehemiah Christmas Academy. Ako ay isang Senior High School 11 na sapagkat ako ay na abutan ng K-12. Ako ang isa tagapagpatawa sa aming kwarto sa paaralan upang mawala ang kanilang stress sa aming sunod sunod na pag susulit kada isang linggo. Ang aking height ay 5’7 at nagbibigat naman ng 47 kilos. Kaya kung inyong iisipin na ako ay mapayat hindi kayo nag kakamali. Ako ay kulay kayumanggi odiba talaga namang pilipinong pilipino ^___^. Ako ay mahilig sa musika at dahil dito ay natatanggal ang aking pagod. Ako ay isang masayahing bata at medyo may kalokohan. Ako ay palakaibigan at lalona’t kung parehas na parehas kami ng tipo ng kanta sapagkat ito ang bonding naming magkakaibigan. Ako ay isang masunurin na anak. Panganay sa tatlong magkakapatid kaya pag hatian ako ay laging lamang siyempre ako ang kuya HAHAHAHA. Ako ay kasulukuyang nakatira sa Bacao II Purok 10 City of General Trias, Cavite. Ang aking dalawang kapatid ay isang lalake at isang babae at kung sino pang ang babae siya din ang pinaka galain. Ang aking paboritong kulay ang Violet sapagkat ito ang pinaka maganda sa aking paningin. Ang paboritong pagkain ko naman ay ang lechong kawali, ginataang alimasag at kung ano anong luto ng hipon. Pero kahit isang balawbaw ang aking kinakain ay di parin ako na taba kahit painumin ako ng bitamina ay wala parin. Ako ay mahilig sa mga online games sa cellphone at lalo na sa computer. Ako ay mahilig sa gala kahit walang dalang pera magagawan pa den ng paraan. At ang aking relihiyon IGLESIA NI CRISTO.