Tenth Blog “Clean Up Drive”

Ako at ang aking mga ka eskwela ay naglinis ng mga baranggay. Upang maiwasan narin ang dengue sa mga lugar na madudumi. Ang paglilinis na iyon ay para makatulog kami sa environment upang hindi masira narin ang nature. Kailangan naten ingatan ang mundong ating kinatatayuan upang ito ay hindi masira. Kapag nawala ang nature dito sa mundo ay hindi ba’t mawawala na ren tayo. Kasi sa kanila rin naman nanggagaling ang ating mga kinakain kaya dapat itong alagaan. Hindi dapat ito sayangin sapagkat kung nasira na ito ay hindi mo na ito maibabalik pa. May kasabihan nga ang matatanda na sa huli ang pagsisisi. Panatilihin nating malinis ang ating lugar sapagkat tayo rin naman ang mapipinsala kung hindi natin ito aalagaan. Itapon ang ating basura sa tamang basurahan. Wag itapon sa ilog at patangayin para lamang hindi masabing makalat ang inyong bahay.

Ninth Blog “Intrams

Intrams first day of school pa lamang ito na ang pinag uusapan ng aking mga kaklase. At na excited na excited sila para rito. Ang akala mo ay magaling hindi naman pala marunong lang. Ang akala mo di marunong magaling para sa larong iyon. Dyan kami nag kakakilala sa bawat laro na aming ginagawa. Habang palapit na ito ng palapit ay nag paplano na ang aking kaklase kung ano ang design ng aming jersey upang maihanda na ito da araw na iyon. At nung may design na ay agad silang kumuha ng mananahe at pinapunta ito sa paaralan upang masukatan ang mga mag papagawa ng jersey. At nakuha na namenang aming damit ay lalong na excited mag laro ang aking mga kaklase dahil nga naman hawak na nila ang kanilang mga damit pang laro. At nang araw na ng intrams ay napaka saya mag lalaro ka lamang ng maglalaro sa buong araw hanggang sa mapagod ka. Ito ay dalawang araw at da ikalawang araw ay ang awarding kung sino ang mga MVP at panalo sa larong iyon. Ang iba naming kaklase ay nakatanggap ng award at ang iba naman ay hindi. Ganun talaga meron natatalo meron namang nanalo hindi pupuwedeng ikaw lagi ang panalo syempre may pagkakataon na matatalo karin. At bago kami mag si uwian nag picture kami sabi ng aming adviser. Para nga naman may remembrance kami sa araw na iyon.

Eight Blog “Field Trip”

Noong January 23, 2020 naganap ang aming field trip. Iyon ang unang field trip ko bilang Senior High School. Ako ay masaya noong araw na iyon dahil iyon ay bagong experience bilang estudyante. Ako ay maagang gumising dahil maaga ang call time na sinabi ng aking adviser. Matapos kong mag ayos o maghanda ng mga dadalhin ako ay agad na umalis. Nang makarating ako sa eskwelahan na pinag – aaralan ako ay nakipagkwentuhan muna sa mga kaklase ko habang naghihintay sa iba ko pang kaklase. Nang makarating na ang lahat ng kasama sa field trip kami ay agad na sumakay sa bus at umalis. Habang kami ay nasa biyahe kaming magkakaklase ay inaaliw ng aming tour guide na si kuya Jose. Si kuya jose ay nagbibigay ng impormasyon sa bawat lugar na aming nadadaanan at napupuntahan. Ang aming unang pinuntahan ay ang Intramuros sa San Juan, Maynila. Kami ay patuloy na kinuwentuhan ni kuya Jose tungkol sa history na nangyari sa Intramuros. Nang matapos ang aming paglilibot sa Intramuros kami ay bumalik na sa bus. Ang sunod naming pinuntahan ay ang Greenbelt Repertory of Philippines kung saan kami au nanood ng “The quest of Adarna”. Ang aming napanood ay maganda dahio isa ito sa sikat na kwento na itunuturo ng mga guro sa subject o asignatura na Filipino. Nang matapos ang aming panonood kami ay bumalik na sa bus na aming sinasakyan. Ang aming sunod na pinuntahan ay ang GMA studios. Kami ay ipinasiyal ng isa sa tour guide ng GMA. Ang tour guide ay nagkwento ng history tungkol sa pasilidad ng GMA. Kami ay inilibot ng tour guide ng GMA sa mga studio na mayroon sila. Matapos kaming ilibot kami ay pinahintulutan rin na manood ng shooting ng bago nilang serye o palabas sa telebisyon at iyon ay ang “Center Stage”. Nang matapos ang aming panonood ng shooting kami ay bumalik na sa bus upang umuwi. Habang kami ay nasa biyahe pauwi kami ng aking mga kaklase ay natulog muna. Nang makabalik na kami sa eskwelahan ako ay umuwi na upang magpahinga. Ayan ang aking naging karanasan sa aking Field Trip S.Y. 2019-2020.

Seventh Blog “Speech Choir”

Ilang buwan kaming hindi nakapag practice dahil sa madaming ginagawa at event. At tutok na tutok kami sa pag aaral ng mga panahong iyon dahil nga 2nd sem na panibagong mga subjects. At nang palapit na ang speech choir ay tatlong araw lamang kaming nag practice kaya yung iba saamin ay napaos dahil narin siguro sa kakulangan ng oras. At tuwing practice ay pursigido ang bawat isa na makuha namin ang kampyonato upang mapasaya namin ang aming guro. Nagtutulungan kami sa pag gawa ng props sa aming speech choir. Pag katapos mag gawa ay kalas kalas na kasi ubod ng dumi ng aming kwarto at ang malilinis ay ang officer namen sa school upang di kami mapagalitan ng aming adviser. Hanggang sa dumating na ang araw ng  speech choir ang aming props ay pang dyaryo lamang ang mga iba naman ay nagpatahi pa at pinag kagastusan. Pero sa dala ng aming pag kakaisa ay naging champion ulet kami. At nakakatuwa dahil ang aming guro ay aming napapangiti.

Sixth Blog “Bond Day”

Ang unang Event na aking naranasan sa Unida Nehemiah Christian Academy. Ay ang Bond Day at hindi pa kami gaano kami makakakilala ng aming kapwa mag aaral. Sapagkat ito ay hunyo pa lamang at kakasimula pa lamang ng aming pasukan. Nag papractice kami araw araw upang maperpekto ang aming sayaw. Napaka saya sa tuwing mag pa practice kami sapagkat nakakapag laro kami habang wala ang aming guro. Ang aming nilalaro ay taya sa gitna. Talaga namang pag si Carl ang taya ay liyodo kaya kahit ang mga nanonood lang ma aming kamag aral ay tuwang tuwa. At nahbunga lahat ng hirap at pag papractice namen at naging champion kami rito. At ang aming guro ay napaka saya dahil siya ang dumisiplina sa amin kapag nag haharutan. At pag katapos ng aming pagsasayaw sa bond day ay nag videoke kami sa sm rosario. At nag selebrasyon sa mismong kaganapan at kumain lamang sa food court dahil may pagkain na kamimg dala. At sa Bbox ay maraming nanood saamin habang kinakanta namin ang sway at sinasayaw. Paglingon namin sa likod ay marami ang nakatingin saamin. Hanggang sa magkahiwalay hiwalay na kami patungo sa aming tahanan.

Fifth Blog “Strontium

Ang section na ito ay walang kapantay. Dahil sa nag kakaisa kami at nag tutulungan. Kung ipag kukumpara mo ang aming section ay wag na dahil walang sinomang makakapantay pag nag samasama na kami. Ang aming adviser ay si ginoong Reynold Hunter. Ang aming presidente sa aming kwarto ay si Kyle Jerby Tionko. Ang amin namang bise presidente ay si Richard Andrew Toledo. Ang aming sekretarya ay si Kiza Raye  Padaoang. Ang aming treasurer ay si Michel Raine Red. Ang Strong Chum ( Strontium ) ay mga pasaway sa tuwing magagalit ang aming adviser ay masisitahimik na yang mga yan pag napagalitan na kami ay ilang araw lamang ay magiging pasaway na. O diba ang kukulet namen. Sa aming section di kumpleto ang araw pag walang late dahil tanghali na kung mag si gising ang aking kamag aral. Kaya namen mag champion sa speech choir kahit tatlong araw lamang ang aming praktis. Dahil nagkakaisa kami pag may kailangan kaming sungkutin na medalya o reward upang mapasaya namin ang aming guro.

Fourth Blog “My Friends

Ako ay isang palakaibigan na tao at nakakapagpatawa ng tao. Ako ay komedyante dahil ayoko ng may nalulungkot akong nakikita. At may trivia ako sainyo alam nyo bang kung palagi kayong nakangiti ay lalong tatagal ang inyong buhay. Ako ay maraming kaibigan na mabubuti. Sila ay nakilala ko sa eskwelahan na aking pinapasukan ko sa kasalukuyan. Simula ng pumasok ako sa Unida Nehemiah Christian Academy ay mas dumami pa ang aking naging kaibigan. Ang aking mga kaibigan na si Aaron, Jerby, Michael, Raynhard, Isra, Mayin, Padme, Harbe, Fhred at iba pa. Madalas kaming mag gala at mag videoke sapagkat dito kami nawiwili at nag kakatuwaan. Ang mga kaibigan ko ay masaya kasama. Sila rin ang natulong pag hindi ko alam ang lesson namin sa paaralan.

Third Blog “My Family”

Ang aking pamilya ay nag tutulungan at masaya dahil halos lahat rito sa aming pamilya ay komedyante. Ang ngalan ng aking ama ay Mhel L. Moneda. Ang ngalan naman ng aking ina ay ang Rachelle J. Moneda. Kami ay tatlong magkakapatid ako ang panganay. Ang pangalawa naman ay nag ngangalang Jasmine J. Moneda. At ang aming bunso ay nag ngangalang Lehm Jasper J. Moneda. Ang aking ama ay isang tsuper ng isang pamasaherong jeepney. Ang aking ina ay isang factory worker. Ang edad ng aking pangalawang kapatid ay 14 na taong gulang. At ang bunso naman ay 12 taong gulang. Ang aking ina at ama ay magkahiwalay kaya nanabik ang aming ina saamin at pati kami na rin. Mahirap ang hiwalay ang pamilya. Sapagkat nakakalungkot sa tuwing nakikita ko ang aking magulang na nahihirapan tapos malayo ako sa kanila hindi ko sila maalagaan at hindi maiintindi. Kaya kung ang inyo pamilya ay buo wag nyong pababayaang magkahiwalay ito.

Second Blog “My Hobbies”

Simula palamang ng ako ay bata ay nakakahiligan ko na talagang mag laro ng larong pinoy sapagkat ito ay masaya. At ang aming laro ay tumabang preso, bamsak, at kung ano ano pa. Kaya madalas akong napapagalitan ng aking ina ay dahil sa nakakalimutan ko nang kumain at pag alis ko ng bahay ay dapit hapin na ako makakauwi. Hindi alam ng aking ina na kumakain ako sa aking lola dahil ito sy aming kapit bahay. Hindi ko maiwasang mag laro sa pagkat ang aking mga pinsan ay kasing edad ko lamang. At napaka bibo ko noong bata ako ay mahilig ako sumayaw at ang aking idolo sa pagsayaw ay si Micheal Jackson  sino ba namang di mabibilib sakanya sa lambot ng kanyang katawan at sa galing sa pagkanta. Habang ako ay patanda na ng patanda ay nagiging mahiyain na ako at nahihilig na din ako sa mga online games dahil ito ay nakakawiling gawin. At dahil narin sa impluwensya ng aking mga pinsan. Dito na narin natutuon ang aking mga pera kaya ako ay napapagalitan ng aking magulang. Sa dahilang bawasan ang aking baon sa eskwelahan. At nang mag grade 9 ako ay naisipan kong ikain na lamang ang aking pera kaya ang aking pag cocomputer ay natigil at paminsan minsan na lamang pampalipas ng oras. Mahilig ako mag puyat pero tulog mantika naman ako pag pagod na pagod aakalain mo na lamang na ako’y bangkay sa kadahilanan na ako ay ubod ng tagal matulog at dahil dito ay di na ako nakakain ng umagahan at tanghalin ang aking aabutan na lamang ay meryenda o hapunan.

First Blog “My Self”

Hi ple halina’t pag usapan natin ang aking buhay. Ako si Mhel Justine J. Moneda labing anim na taong gulang at nag- aaral sa Unida Nehemiah Christmas Academy. Ako ay isang Senior High School 11 na sapagkat ako ay na abutan ng K-12. Ako ang isa tagapagpatawa sa aming kwarto sa paaralan upang mawala ang kanilang stress sa aming sunod sunod na pag susulit kada isang linggo. Ang aking height ay 5’7 at nagbibigat naman ng 47 kilos. Kaya kung inyong iisipin na ako ay mapayat hindi kayo nag kakamali. Ako ay kulay kayumanggi odiba talaga namang pilipinong pilipino ^___^. Ako ay mahilig sa musika at dahil dito ay natatanggal ang aking pagod. Ako ay isang masayahing bata at medyo may kalokohan. Ako ay palakaibigan at lalona’t kung parehas na parehas kami ng tipo ng kanta sapagkat ito ang bonding naming magkakaibigan. Ako ay isang masunurin na anak. Panganay sa tatlong magkakapatid kaya pag hatian ako ay laging lamang siyempre ako ang kuya HAHAHAHA. Ako ay kasulukuyang nakatira sa Bacao II Purok 10 City of General Trias, Cavite. Ang aking dalawang kapatid ay isang lalake at isang babae at kung sino pang ang babae siya din ang pinaka galain. Ang aking paboritong kulay ang Violet sapagkat ito ang pinaka maganda sa aking paningin. Ang paboritong pagkain ko naman ay ang lechong kawali, ginataang alimasag at kung ano anong luto  ng hipon. Pero kahit isang balawbaw ang aking kinakain ay di parin ako na taba kahit painumin ako ng bitamina ay wala parin. Ako ay mahilig sa mga online games sa cellphone at lalo na sa computer. Ako ay mahilig sa gala kahit walang dalang pera magagawan pa den ng paraan. At ang aking relihiyon   IGLESIA NI CRISTO.